Nanaginip ako. At ang ganda sobra. Gusto kong magkatotoo. Pero imposible atang magkatotoo yun. Kaya ikekwento ko na lang. Kasi daw nasa school kami then may bumisita sa amin. Tapos umalis sila. Tumingin ako sa blackboard. Ang nakasulat guard. Napaisip ako. Sabi ko “Guard? Guard? Kuyaguard.” Ayun sabi kong ganon. Tapos yung nasa unahan ko lumingon sabi niya “Ha?” Tapos si Kuyaguard pala yun! Omg! Hahahahahahaha. Nagtawanan kami. Tapos wala siyang kaibigan kasi transfer lang siya sa school. Tas yun leche tapos naggising ako. Hindi ko alam kung naging kaibigan ko ba siya sa panaginip ko. Odba? Nakakakilig. Imposible yun kase imposible na maging mag-classmates kami. Kase mas matanda siya akin. Hihihi. Hindi ko malilimutan ang panaginip na toh.
Jgh from Libot. Alam nyo bayun? Busy kayo sa tumblr eh. Hahahahah! Wala akong naramdamang pagod. Sanay na akong maglakad ng mahahaba eh. So ayun medyo nakakatawa lang yung kasama ko pati kapatid ko. Nahihiya akong sumama sa mga babae dun eh. Kaya ayun yung mga kapitbahay ko lang ang kasama ko. Ang ingay grabe. Syempre kumakanta. Namiss ko to eh. Tagal ko ng hindi nakakasama sa libot. Siguro ang pinakalast except ngayon ay nung grade 4 ako. Kumakanta pa ako nun. Ngayon hindi na. Hindi ako masyadong kilala ng mga tao. Pero i try na nakilala nila ako. Hindi kasi ako lumalabas masyado ng bahay. Sasama ulit ako bukas. Ayy! Baka hindi ako makasama bukas. May laro nga pala ng basketball aang tatay ko. Susuportahan ko. Sa next day na lang ulit ako sasama. Hihihi
Pay per view pala yun. Akala ko paper view. Nagtaka naman ako. Hindi ko kasi binabasa ang nasa tv. Basta nakikinig lang ako. Paper View. Huehue.
Gusto kong maging isa sa mga prinsesang nasa picture. Gusto ko ang mga nangyari sa buhay nila. Kahit kwento lang yun, may napulot na aral. Si Snow White, muntikan ng mamatay dahil sa kagandahan niya. Nalason siya ng kagatin niya ang isang mansanas. Nabuhay siya sa pagmamahal ng isang mabuting prinsipe. Si Pocahontas na ginawa ang lahat. Si Belle na nagmahal sa isang halimaw. Isang patunay na hindi dapat pang labas na anyo ang titingnan natin sa pag-ibig. Dapat yung kalooban. Ang frog princess. Minahal niya ang isang palaka. Nirespeto niya ang isang hayop na nakaladiri. And tada naging prinsipe ito. Si Aurora na nakatulog dahil sa spinning wheel. Mayaman naman siya eh pero mabait. Naggising siya ulit dahil sa halik ng totoong pagmamahal. Si Ariel na gustong maging tao mula sa pagiging sirena dahil nagkakagusto siya sa isang tao. Ginawa niya lahat ng hirap para magkasama lang sila. Si Rapunzel na gustong maging malaya sa stepmom na witch. Kahit na sobrang haba ng buhok niya. Binago niya ang ugali ng snatcher/magnanakaw. Si Mulan nagpanggap siyang lalaki. Para maging malaya. Si Cinderella na naging katulong sa kanyang sariling palasyo dahil sa tatlong inggetera. Nalaglag lang sapatos niya ayun natupad pangarap. Hihihi. Galing no? Gusto ko ng ganan.
Capitalsawi.
Tadtad ako ng likes. Tumambay sa blog ko. Hahahahaha! Uy, salamat.
Follow niyo sa guys for me. :)
Hindi ko alam kung may pag-asa pa ako sa kanya. Huhu. Paano ba nga yun malalaman? Eh nakakahiya namang itanong. Hayyyy buhay. Kaasar. Life. Life. Life.
Pawis ako kahit umuulan. Hu. Yung nanay ko kasi. Siya yung nagtanggal ng libro ko sa bag. Ako pinaghahanap. Ang dami kayang kahon. Kasi hinihiram nung pinsan ko. Hiram ko lang kasi din yun. Co’z i’m not rich. Ayun. Patay. Sambutan lang dapat kami. Kinakabahan ako eh. Paano pag hindi ko na nakita yung libro? Ako ang bibili para sa pinsan ko?
Kinakabahan ako sa mangyayari eh. Hahahaha! Eto Milo muna ako. Wala pang maluto eh. Good Morning. Wala munang good morning messages ha. Tinatamad akong pumunta sa inbox ko.
Ang daming pagkain sa ref at stock room. Kanya-kanya kami ngayon.


